“ESTUPIDO” | Bro. Eddie Villanueva, pinagso-sorry si Pangulong Duterte; Malacañang, nanindigang hindi magbibigay ng public apology ang Pangulo

Manila, Philippines – Pinagso-sorry ni Jesus is Lord Founder Bro. Eddie Villanueva si Pangulong Rodrigo Duterte matapos tawaging ‘estupido’ ang Diyos.

Ayon kay Bro. Villanueva, dapat na tanggapin ni Duterte ang kanyang pagkakamali at humingi ng tawad sa mga Pilipino.

Sagot naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi magbibigay ng public apology si Pangulong Duterte.


Kinampihan din ng political analyst na si Prof. Clarita Carlos ang Administrasyong Duterte sa pagsasabing na kailangan ang public apology.

Sa interview ng RMN DZXL Manila kay Carlos, sinabi niya na iba lang ang naging interpretasyon ng ilan sa sinabi ng Pangulo na estupido ang Diyos.

Naniniwala din si Carlos na hindi makakaapekto ang naging pahayag ni Duterte para mabawasan o mag-iba ang paningin sa kanya ng kanyang mga supporters.

Facebook Comments