Kinastigo ni Ethel Booba ang hinaing ni Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) deputy administrator Mocha Uson tungkol sa franchise renewal ng ABS-CBN.
Nag-post si Uson sa Twitter hinggil sa desisyon ng Senado na ipagpaliban ang sesyon ngayong araw, Pebrero 24, upang bigyang daan ang pagdinig sa nabanggit na isyu.
“Ganito inaaksaya ng Senado ang pera ng bayan para lang mapagtanggol ang mga oligarch. Alam naman natin na walang saysay ang hearing dahil dapat mauna ang House,” giit ni Uson.
“Sipsip to the max na ang mga kakampi ng oligarch,” dagdag pa niya.
Nauna nang kinlaro ni Sen. Grace Poe na maaaring dinggin sa Senador ang franchise renewal bill na hindi pa natatalakay sa Kongreso, basta’t hindi pa sila maglalabas ng committee report ukol dito.
Pinuna ni Ethel ang opinyon ni Uson at ini-retweet ang post nito kahapon, Pebrero 23.
“Cyst mas malaki ang naaksayang pera ng bayan sa pasweldo sayo sa pagtatanggol mo sa mga politiko. Alam naman natin na di yun ang job description mo. Sipsip to the max. Charot!” banat ng komedyante.
Cyst mas malaki ang naaksyang pera ng bayan sa pasweldo sayo sa pagtatanggol mo sa mga politiko. Alam naman natin na di yun ang job description mo. Sipsip to the max. Charot! https://t.co/MH85XUFfzF
— Ethel Booba (@IamEthylGabison) February 23, 2020
Nagsilbing assistant secretary ng Presidential Communications Operations Office ai Uson na itinalagang deputy administrator ng OWWA noong Setyembre nakaraang taon.