Ethel Booba, nakatanggap ng death threat?

Itinanggi ni Ethel Booba ang akusasyong pinagkakitaan niya ang isang twitter account at nakatanggap siya ng death threat.

Sinabi ito ni Ethel sa ikalawang bahagi ng kanyang youtube vlog patungkol sa isyu na pinagkaperahan daw niya ang @iamethylgabison na twitter account na may 1.6 million followers.

Say ni Ethel, dapat ay mayaman na siya kung pinagkakitaan niya ang nasabing account.


Itinanggi rin ng comedienne-singer na nakatanggap siya ng death threat matapos na hindi bayaran ang admin ng nasabing twitter account na dahilan kaya nag-shutdown ito.

Giit ni Ethel, pamumulitika ang dahilan kaya binitawan niya ang account dahil siya mismo ang nasira sa dami ng fakes news na ipinost ng admin nito sa social media.

Kaya panawagan ng aktres, tigilan na ng admin ang ginagawa nitong paninira dahil baka makarma siya.

Facebook Comments