Ethel Booba, pumalag sa isang netizen

Umani ng iba’t ibang komento ang tweet ni Ethel Booba ukol sa nangyaring pag-aresto sa isang trans woman na si Gretchen Diez sa isang mall sa Quezon City.

Ayon kay Ethel – pabor siya sa pagkakaroon ng sariling CR upang maiwasan ang pagiging hindi komportable ng mga gagamit nito.

Aniya, naiilang ang mga lalaki kapag may trans woman na pumasok sa kanilang restroom.


Kasunod nito umani ng iba’t ibang reaksyon ang nasabing post at ikinumpara pa ito sa ginawa umano niyang pagpaparetoke sa mukha noong 2009.

Agad naman niya itong sinagot at sinabing ibang kaso ang kanya dahil bagama’t inamin niyang retokada siya ay hindi umano niya ipinagpipilitan ang sarili niya na matanggap ng mga tao.

Facebook Comments