Ethics Committee Chairman Francis Tolentino, susubukang pagkasunduin sina Senator Binay at Senator Cayetano

Susubukan ng Senate Committee on Ethics and Privileges na pagkasunduin sina Senator Nancy Binay at Senator Alan Peter Cayetano na nagkakainitan ngayon sa imbestigasyon tungkol sa New Senate Building.

Ayon kay Senate Majority Leader Francis Tolentino, Chairman ng komite, ito muna ang kanyang gagawin bago determinahin kung dapat pa bang aksyunan at imbestigahan ang ethics complaint na isinampa ni Binay laban kay Cayetano.

Pero bago magawa ito, magpapatawag muna ng organizational meeting ang senador sa komite sa July 17.


Kapag na-organisa na ang komite, maaari na nilang amyendahan ang rules para mapatawag ang nagsampa at sinampahan ng reklamo.

Sakali naman na mangyari ang conciliation o pagpapatawag sa kanila, gagawin ito sa executive session o close door meeting.

Facebook Comments