Ethics Committee sa Senado, aaksyon agad sakaling maghain ng reklamo si Sen. Nancy Binay laban kay Sen. Alan Cayetano

Aaksyon agad ang Senate Committee on Ethics sakaling maghain man ng reklamo si Senator Nancy Binay laban kay Senator Alan Peter Cayetano.

Kaugnay na rin ito sa nangyaring bangayan ng dalawang senador sa gitna ng pagdinig ng Senado tungkol sa ipinatatayong New Senate Building (NSB) sa Taguig City.

Mistulang nauwi na sa personalan ang sagutan ng dalawa na nauwi pa sa pagtawag ni Cayetano kay Binay na “Marites” at “buang”.


Ayon kay Senate Majority Leader Francis Tolentino, Chairman ng Senate Committee on Ethics, aaksyunan niya agad ang ihahaing complaint ni Binay oras na ma-i-refer na ito sa kaniyang komite.

Nanghihinayang lamang si Tolentino dahil maaga siyang umalis sa pagdinig noong Miyerkules at hindi sana aniya nangyari ang banggaan at sagutan ng dalawang senador.

Sa ngayon ay pinag-aaralan pa ng kampo ni Binay ang paghahain ng reklamo laban kay Cayetano sa Committee on Ethics.

Facebook Comments