
Naniniwala si Senator Chiz Escudero na ang isinampa sa kanyang ethics complaint ang kabayaran sa pagbanggit niya sa pangalan ni dating Speaker Martin Romualdez na siyang utak ng maanomalyang flood control projects.
Sa statement na inilabas ni Escudero ay mayroon itong #SelectiveJustice at #LabananAngScriptNiMartin.
Sinabi ni Escudero na hindi na siya nagulat sa pagsasampa ng reklamo sa kanya sa Senate Ethics Committee ng isang private citizen tungkol sa pagtanggap niya ng campaign donations noong 2022 mula sa isang contractor.
Iginiit ni Escudero na ito ay bahagi ng harassment mula sa mga minions ni Romualdez.
Hindi na rin aniya ito tungkol sa usapin ng ethics kundi political retribution o parusa ito sa kanya.
Bahagi pa rin aniya ito ng script at desperadong pagtatakip at nakahanda ang senador na ilantad ang mga politically motivated na pagkukunwari sa likod ng mga isyung una niyang isiniwalat laban kay Romualdez.









