Ethics complaint laban kay Senator Hontiveros, isinasapinal na ni Secretary Aguirre

Manila, Philippines – Isinasapinal o pinapaganda na lamang mabuti ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre ang kanyang isasampang ethics complaint laban kay Senator Risa Hontiveros.

Ayon kay Aguirre, target na niya ihain ang reklamo ngayong linggo pero bago ito ay magbibigay muna siya ng liham kay Senate President Koko Pimentel.

Ang ihahaing ethics complaint ni Aguirre ay nag-ugat sa iligal na pagsilip umano ni Hontiveros sa text messages sa kanyang cellphone habang siya ay dumadalo sa pagdinig ng senado.


Una rito ay ibinunyag ni Hontiveros na may nilulutong kaso laban sa kanya base sa text message ni Aguirre na nakuhaan ng kamera.

Facebook Comments