Ethics complaint laban kay Senator Lacson, inihain na ni dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon

Manila, Philippines – Personal na inihain ni dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon ang 15- pahinang ethics complaint laban kay Senator Panfilo Lacson.

Ugat ng reklamo ni Faeldon ang aniya’y malisyoso at mapanirang privelege speech ni lacson na nagsasangkot sa kanya sa tara system sa customs at pagtanggap pa ng 100,000 na welcome pasalubong.

Giit ni Faeldon, kung walang malalabas na ebidensya si Lacson ay dapat itong masuspende o masibak sa pagkasenador dahil mali na gamitin nito ang kanyang immunity para sirain ang isang inosenteng resource. person.


Facebook Comments