Manila, Philippines – Kinakitaan ng senate ethics committee ng sapat na substance at form ang ethics complaint na inihain ni Senator Richard Gordon laban kay Senator Antonio Trilllanes IV.
Pero inalis ng komite ang bahagi ng reklamo na may kinalaman sa paglulunsad noon ni Trillanes ng kudeta laban sa pamahalaan sa ilalim ni dating Pangulong Gloria Arroyo.
Bunsod nito ay binigyan ni Committee Chairman Senator Tito Sotto III si Trillanes ng sampung araw para sagutin ang reklamo laban sa kanya.
Nag-ugat ang reklamo ni Gordon sa naging mainit na sagutan nila ni Trillanes sa isyu ng pagpapaharap kina Presidential Son Paolo Duterte at Presidential Son in Law Atty. Mans Carpio sa pagdinig ng Senado ukol sa mga anumalya sa Bureau of Customs.
Facebook Comments