Manila, Philippines – Tiniyak ni Senator Panfilo Ping Lacson ang pagsasampa ng kasong kriminal laban kay dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon.
Ayon kay Lacson, ito ang tugon niya sa ethics complaint na inihain ni Faeldon laban sa kanya.
Ipinaliwanag din ni Lacson kung bakit natatagalan ang paghahain niya ng kaso at paglalabas ng mga ebidensya laban kay Faeldon.
Ayon kay Lacson, nahihirapan siyang kumuha ng mga dokumento sa Bureau of Customs kung saan nawawala ang mga kailangan niyang papeles.
Dagdag pa ni Lacson, hindi rin pwedeng gamitin ni Faeldon na argumento ang pagkasuspinde noong 1960 ni dating congressman Sergio Osmenia Jr. dahil sa negatibong privilege speech nito laban kay dating Pangulong Carlos Garcia.
Paliwanag ni Lacson, ang parliamentary immunity ay naipaloob lang sa 1987 constitution.
Magugunitang sa privilege speech ni Lacson, kanyang ibinunyag ang umano’y pagkakasangkot ni Faeldon sa tara system sa BOC at ang pagtanggap pa nito ng 100,000 pesos na welcome pasalubong.