Ethics complaint posibleng ihain laban kay Rep. Leviste dahil sa umano’y puwersahan at iligal na pagkuha ng Cabral files

Kinuwestiyon ng isang mambabatas ang umano’y puwersahan at iligal na pagkuha ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste sa “Cabral” files sa opisina ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Usec. Catalina Cabral.

Ayon kay House Committee on Public Accounts Chairperson Terry Ridon, dahil sa mga ginawang hakbang ni Leviste, puwede itong mahainan ng ethics complaint.

Aniya, noong una ay iginigiit ng mambabatas na mayroong direktiba sa kanya si DPWH Secretary Vince Dizon para makuha ang mahahalagang dokumento mula kay Cabral.

Pero mariin ngayong itinanggi ni Dizon na nagbigay siya ng otoridad para kumuha ng files mula sa dating opisyal ng DPWH.

Dahil dito, ipinunto ni Ridon na ang mga alegasyon ng hindi tamang pagkuha ng files at ang pag-reproduce ng official documents ay maaaring kuwestiyonin ang ethical duties ng legislators, kabilang ang pagrespeto sa batas, pag-iwas sa pag-abuso sa posisyon, at ang pagprotekta sa integridad ng congressional inquiries.

Hindi aniya nila papayagang maging venue ang Kamara sa pagkuha ng mga kuwestiyonableng ebidensiya at idadaan ang legitimacy sa pamamagitan ng publicity.

Facebook Comments