Manila, Philippines – Nagpaliwanag si European UnionAmbassador to the Philippines Franz Jessen kaugnay sa pagkondena ng EU sakampanya ng administrasyong Duterte kontra droga.
Ayon kay Jessen, hindi naman iginigiit ng EU ang kulturang Europa sa pagpapahayg ng pag-aalala sa sitwasyon ng karapatang pantao sa Pilipinas.
Aniya, bilang signatory sa 27 United Nations conventions,kailangang sumunod ng Pilipinas sa natural international commitments nitokabilang ang may kinalaman sa human rights.
Sa kabila nito, tiniyak ng EU na nakatuon pa rin ito samga proyekto para sa bansa.
Katunayan, nakapagtalaga na ito ng P17-billion na grantmoney para pondohan ang mga development program sa Pilipinas, partikular sa Mindanaobilang pagkilala na isa sa pinakamatagal at pinakamalapit na kaalyadong bansa.