Kahit namaos dulot ng napakalamig na panahon sa Brussels, Belgium ay hindi itinigil ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pakikipagpulong sa mga negosyante sa Europa.
Ayon kay Florian Gottein, Executive Director ng European Chamber of Commerce in the Philippine o ECCP, pinuri ng mga European businessmen si Pangulong Marcos dahil ang mga dialogue nito ay nagpapakita ng kahalagahan ng pagpapalakas ng kalakalan at investment sa pagitan ng European Union at ASEAN.
Ang ECCP ay bilateral foreign chamber na nagpo-promote ng European interests sa Pilipinas maging Philippines interest sa Europa.
Ang papuri ay natanggap ng pangulo sa isinagawang 10 ASEAN-EU business Summit na kung mas nanghikayat ito ng mas maraming investors para maglagak ng negosyo sa Pilipinas at humiling din ng tulong para sa climate action issues.
Nagpasalamat naman ang pangulo sa papuri ng ASEAN-EU Business Council at umaasa siyang magpapatuloy ang suporta ng mga ito sa ASEAN mula sa sectoral bodies hanggang sa leaders level.