EU, dapat magingat sa kanilang pahayag ayon sa Palasyo

Manila, Philippines – Umapela ang Palasyo ng Malacañang sa European Union na maging maingat sa kanilang mga pahayag at dapat ay ibase ng mga ito at ang kanilang desisyon sa katotohanan.

 

Sinabi ni Presidential Spokesman Undersecretary Ernesto Abella, ang mga tinatawag na kritiko ng administrasyon na mayroong personal na interes ay minanipula ang mga impormasyong inilalabas sa bansa at sa international audience sa pamamagitan ng mga opisyal ng gobyerno na naniniwala sa walang basehang pahayag.

 

Binigyang diin ni Abella na hindi kinukunsinti ng administrasyong Duterte ang extra judicial killings at patuloy nitong sinusunod ang batas.

 

Umapela din naman si Abella sa EU na irekonsiderang mabuti ang kanilang desisyon na tanggaling ang zero tariff benefit ng pilipinas sa pakikipagtransaksyon sa European countries.

 

Ayon kay Abella, dapat ay hayaan ng international bodies na gawin ng Pilipinas ang mga hakbang na dapat gawin para maresolba ang domestic challenges o panloob na problema ng bansa na hindi pinanghihimasukan ng iba.

 

Dagdag pa ni Abella kailangang kilalanin ng EU ang soberenya at demokrasya sa Pilipinas.

Facebook Comments