EU, dapat nang tigilan ang pagsuporta sa mga grupong kaalyado ng CPP-NPA-NDF

Manila, Philippines – Nanawagan na rin ang Malacañang na tigilan na ng European Union (EU) ang pagsuporta sa mga grupong may kaugnayan sa CPP-NPA-NDF.

Sinabi ito ng Palasyo kasunod na rin ng pagpapadala ng sulat ni National Security Adviser Hermogenes Esperon sa EU hinggil sa naturang isyu.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, dapat itong bigyang pansin ng EU dahil ang mga organisasyong may kaugnayan sa maka-kaliwang grupo ay walang ibang ginawa kundi manggulo lamang sa gobyerno.


Una nang iginiit ng mga bansang kasapi ng EU na hindi nila alam na ang kanilang tinutulungang grupo ay nasasangkot pala sa mga rebeldeng komunista.

Facebook Comments