Nakiisa ang delegasyon ng European Union sa Pilipinas sa international community sa pagkondena sa pagpatay sa siyam na aktibista sa police at military operations sa CALABARZON.
Sa statement, welcome sa EU ang gagawing imbestigasyon ng pamahalaan sa pagpaslang ng mga pulis at sundalo sa siyam na indibidwal.
Ang paggamit ng sobrang dahas laban sa mga hindi armadong indibidwal at mga iregularidad sa law enforcement operations ay nakababahala.
Binanggit din ng EU ang commitment na Pilipinas sa Human Rights Council hinggil na tiyaking mayroong accountability sa human rights abuses at violations alinsunod sa due process sa ilalim ng batas at pagtalima sa international human rights obligations.
Nagpaabot ng pakikiramay ang EU sa pamilya ng mga biktima.
Una nang naghayag ng pagkabahala ang United Nations sa insidente.