EU, may babala sa China kaugnay sa panghihimasok nito sa Hong Kong

Nagbabala ang European Union (EU) na posibleng kaharapin ng China ng mas negatibong epekto ng pangingialam nito sa bagong security law ng Hong Kong.

Ayon kina European Commission President Ursula Von Der Leyen at European Council Chief Charles Michel, nanawagan sila sa China na sundin nito ang kanilang ipinangako sa mga mamamayan ng Hong Kong na otonomiya at kalayaan.

Nabatid na ang bagong security law ng Hong Kong ay posibleng makatulong sa pagsasarili ng nasabing bansa at kalayaan ng kanilang mga mamamayan.


Sa ngayon ay wala pang pahayag ang China kaugnay ng babala ng EU.

Facebook Comments