EU, nagpahayag ng suporta sa Pilipinas ukol sa WPS

Nagpahayag ng suporta ang European Union (EU) sa panawagan ng Pilipinas na igalang ang international law sa pagharap sa mga kaguluhan sa West Philippine Sea (WPS).

Sa pagsasalita sa harap ng pinagsamang European Chamber of Commerce of the Philippines (ECCP) at ng EU-ASEAN Business Council kinilala ng EU Ambassador to the Philippines na si Luc Véron kung paano ang konsepto ng panuntunan ng batas at isang internasyonal na kaayusan na nakabatay sa mga tuntunin.

Binigyang-pansin niya ang paninindigan ng gobyerno ng Pilipinas sa digmaang Russia-Ukraine, gayundin ang posisyon ng EU sa isyu ng mga alitan sa teritoryo sa pinagtatalunang West Philippine Sea.


Aniya, sa parehong paraan, lubos na kinikilala ng EU ang pangangailangan na igalang ang international law ukol sa mga usapin sa West Philippine Sea.

Kinilala rin ng ambassador ang pagsisikap ng gobyerno ng Pilipinas sa paglikha ng mas kaaya-ayang business climate na kung saan binanggit niya ang pagpasa ng mga legal reforms na higit na nagbukas sa bansa sa mas maraming dayuhang pamumuhunan.

Inaasahan din ng EU, ani Véron na palalakasin pa ang relasyon at ugnayan ng parehong panig lalo na sa mga susunod pang taon.

Facebook Comments