Tinalakay ng delegasyon ng European Union (EU) at ng key officicials ng ARMM ang mga isyu hinggil sa political and security situation sa Mindanao at ang peace process sa pagitan ng gobyerno at ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).
Kumatawan sa panig ng regional government sina ARMM Executive Sec. Laisa Masuhud Alamia, Cabinet Sec. John Louie Balagot, Education Sec. Rasol Mitmug, at Ms. Norkhalila Mambuay-Campong, chief of staff ng Office of the Regional Governor.
Ang pagbisita ay bahagi ng misyon ng EU na magsagawa ng security assessment sa Pilipinas partikular dito sa Mindanao upang makalikha ng analysis at rekomendasyon para sa papel na gagampanan nito sa Mindanao peace process.
Kabilang sa EU officials na bumisita sa ARMM ay sina Jan Reinder Rosing, Ms. Helena Sterwe, Thomas Wiersing ng European External Action Service (EEAS) at iba pa.
EU nakipagpulong sa key officials ng ARMM!
Facebook Comments