EU, pinaboran ang 3 buwang Brexit delay

Inaprubahan ng European Union ang hiling ng United Kingdom na i-antala ang Brexit sa loob ng tatlong buwan.

Ayon kay British Prime Minister Boris Johnson na wawakasan niya ang political paralysis ng kanilang bansa sa pamamagitan ng snap election sa December 12 at makuha ang mayorya upang maipasa ang divorce deal.

Subalit ang panawagang ito ay hinarang muli ng UK parliament sa pamamagitan ng botohan.


Pero susubukan ni Johnson na maka-bypass o makalusot sa supermajority rule.

Facebook Comments