EUA application ng 3 vaccine manufacturers, hinihintay ng FDA

Hinihintay ng Food and Drug Administration (FDA) na mag-apply ang tatlong vaccine manufacturers para sa emergency use authorization (EUA) ng kanilang COVID-19 vaccines.

Ang FDA ay una nang nagbigay ng EUA sa COVID-19 vaccines ng Pfizer, AstraZeneca, Gamaleya at Sinovac.

Ayon kay FDA Director General Eric Domingo, nagkaroon na sila ng pulong mula sa mga kinatawan ng US Pharmaceutical firm na Moderna, Belgium-based Janssen Pharmaceuticals at Serum Institute ng India.


Sa ngayon, nire-review nila ang EUA application ng Bharat Biotech ng India.

Muli ring iginiit ng FDA na ang Sinovac vaccines ay para lamang sa mga healthy individuals na may edad 18 hanggang 59.

Facebook Comments