Inaprubahan na ng Food and Drug Administration (FDA) ang emergency use ng COVID-19 vaccine na gawa ng American Pharmaceutical Company na Johnson & Johnson
Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., ang FDA ay naglabas na ng emergency use authorization sa J&J, ang ikalimang drug manufacturer na nabigyan ng ganitong permit.
Nasa anim hanggang sampung milyong vaccine doses mula sa J&J ang target na makuna ng Pilipinas.
Ang supply agreement aniya ay posibleng mapirmahan ngayong linggo at ang delivery ay inaasahang darating sa ikatlo o huling kwarter ng taon.
Mayroong dalawang vaccine brands ang kasalukuyang nire-review ng Vaccine Experts Panel (VEP), ito ay ang Moderna ng US at ang Novavax ng India.
Una nang nabigyan ng EUA ang Pfizer, AstraZeneca, Sinovac Biotech at Gamaleya.