Malapit nang maisyuhan ng Emergency Use Authorization (EUA) ang Russian-made vaccine na Sputnik V.
Ito ang sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) kasabay ng inaasahang pagdating ng 20 million doses nito sa bansa.
Sa kanyang tweet, sinabi ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., sa loob ng dalawang linggo ay inaasahang ipagkakaloob sa Russian vaccine ang EUA.
Binanggit din ni Locsin ang pag-review sa bakuna ng The Lancet, isang prestihiyosong peer-review medical journal.
Batay sa report ng The Lance noong nakaraang buwan, lumalabas na 91.6% na epektibo ang Sputnik V laban sa symptomatic COVID-19 cases.
Para kay Locsin, mas gusto niyang maturukan ng Sputnik V at ipagkakatiwala niya ang kanyang buhay rito.
Facebook Comments