Eumir Felix Marcial, balik-ensayo!

40
Photo Courtesy: Olympic Channel

Balik ensayo muli si Pinoy Boxer Eumir Felix Marcial sa Wild Card Gym sa California sa ilalim ni American trainer Freddie Roach.

Ilang buwang nakatengga si Marcial bunga ng COVID-19 pandemic.


Ayon kay Marcial, masaya siya sa kanyang pagbabalik pagsasanay kasama ang beteranong mentor.

Sumalang sa sparring sessions si Marcial kasama si Veteran Middleweight Gabriel Rosado na naghahandang makalaban si dating World Middleweight Champion Daniel Jacobs sa November 27.

Si Marcial ay nagwagi ng gintong medalya sa Asian Olympic Qualifiers na ginanap sa Amman, Jordan para makamit ang tiket sa Tokyo Olympics.

Pumirma rin si Marcial ng kontrata sa MP Promotions ni Senator Manny Pacquiao noong Hulyo para simulan ang kanyang professional career.




Magpapasa si Marcial ng proposal sa Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) at Philippine Sports Commission (PSC) para suportahan ang kanyang training program.

Facebook Comments