Nakatakdang bumisita sa kauna-unahang pagkakataon sa bansa si European Commission President Ursula von der Leyen.
Ito ang kinumpirma ng Presidential Communications Office (PCO).
Gagawin ang pagbisita sa July 30 hanggang August 1.
Ayon sa PCO, ito ang unang pagkakataon na tutungo sa Pilipinas ang EU Commission President sa loob ng halos 60 taong diplomatic ties.
Welcome naman sa pangulo ang nakatakdang pagbisita ng EU Commission President sa bansa.
Una nang nagkita ang dalawa sa byahe ni PBBM sa Belgium sa sidelines ng ASEAN commemorative summit noong 2022.
Habang nasa Pilipinas ay makikipagpulong rin sa Von Der Leyen may kinalaman sa kalakalan ekonomiya climate and environment, space cooperation, digital economy at pang sektor.
Facebook Comments