Patuloy na tinatamasa ng Pilipinas ang interes ng European countries na mamuhunan sa bansa, partikular ang France, United Kingdom, Belgium, the Netherlands, at Germany.
Pahayag ito ni Trade and Industry Secretary Alfredo Pascual kasunod ng tatlong linggong road show na isinagawa ng DTI sa Europa.
Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ng kalihim na ilan lamang sa mga tinatangkilik ng mamumuhunan sa bansa ay ang strategic location ng Pilipinas.
Kabilang dito ang malaking populasyon ng bansa, na mangangahulugan sa magandang merkado.
Maging ang mga bata, talentado, at skilled workforce ng Pilipinas.
Maliban pa dito aniya ang natural resources ng bansa.
Ayon sa kalihim, sa pananatili niya sa Europe, magkaroon rin siya ng pagkakataong makausap ang EU Commission.
Ginamit aniya nila ito ng pagkakataon para bigyang diin ang mahahalagang reporma na ipinatupad na ng gobyerno, upang gawing business friendly environment ang Pilipinas.