European parliament delegates, nakipagpulong kay Senator De Lima sa PNP Custodial Center

Manila, Philippines – Nakipagpulong kay Senator Leila De Lima ang labing dalawang European delegates sa loob mismo ng PNP custodial center sa Camp Crame.

Alas-3:20 ng hapon ng dumating sa PNP custodial ang labing dalawang European delegates.

Sa nakuha impormayson ng DZXL RMN Manila, ang mga kasama ni Senator De Lima sa ginanap na pagpupulong ay sina Soraya Post, member ng European parliament sa Sweden; Adam Kosa, member ng European Parliament sa Hungary; Joseph Weidenholzer member ng European parliament sa Austria; Rikker Karlsson ng member ng European parliament ng Denmark, Tsiguereda Walelign, administrator, EP subcommittee on human rights; Rebecca Alrutz, assistant; Brigitte Bataille, adviser, EP political group staff; Walter Van Luik, adviser; Liz Scott Gibson, interpreter; Cynthia Cave, interpreter; Matias Lentz, charge d’affaires, EU delegation to the Philippines; at Jerome Riviere, first secretary.


Sinabi Ni Soraya Post, member ng European parliament ng Sweden na ang dahilan ng pagdalaw nila kay Senator De Lima ay upang ipakita ang kanilang concern o pag-aalala sa kaso ng senadora bilang delegates ng European parliament at mayroon na silang resolusyon para rito.

Napag-usapan din aniya ang ilang issues may kaugnayan sa human rights.

Sinabi pa nitong nasa maayos na sitwasyon ang sendora at malakas ang pangangatawan nito.

Nagtagal na isang oras at kalahati ang pagpupulong sa loob ng PNP Custodial Center.

 

Facebook Comments