European Union, muling binanatan ni Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Binanatan muli ni Pangulong Rodrigo Duterte ang European Union (EU).

 

Sa kanyang pahayag sa mass oath taking ng mga bagong opisyal ng Philippine Councilors League, tinawa ng Pangulong Duterte na hipokrito at inutil ang EU.

 

Patuloy aniya na kinokontra ng EU ang kampanya ng pamahalaan laban sa iligal na droga dahil gusto nilang isulong ang pagsasa-ligal ng paggamit ng mga ito.

 

Sinabihan din ng Pangulo ang EU na huwag magmalinis at huwag ipilit sa Pilipinas ang kanilang tinatawag na “moralidad.”


Facebook Comments