European Union, nagbigay ng kanilang intelligence para labanan ang terorismo sa bansa

Manila, Philippines – Nakikipagtulungan na ang European Union (EU) sa Pilipinas para labanan ang terorismo.

Ayon kay Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano – ito’y sa pamamagitan ng intelligence sharing para labanan ang terorismo sa bansa.

Matatandaang nitong Hunyo ay nagpahayag ng pagkabahala si French Ambassador Thierry Mathou sa krisis sa Marawi.


Sa unang kalahating taon ng 2017, sunud-sunod ang naitalang terror attack sa Europa.

Facebook Comments