European Union, nangakong susuriin ang ulat na tumatanggap ng pondo mula sa kanila ang ilang organisasyong may kaugnayan sa CPP-NPA

Nangako ang European Union (EU) na susuriin nito ang naging pahayag ng Gobyerno ng Pilipinas na nakatatanggap ng pondo mula sa kanila ang ilang mga Non-Government Organizations (NGOs) na may kaugnayan sa mga komunista.

 

Matatandaang inakusahan ng Armed Forces Of The Philippines ang ilang mga human rights group gaya ng Karapatan at Ibon foundation na mga “front organizations” ng Communist Party Of The Philippines (CPP).

 

Sabi pa ni AFP Spokesperson Brig. Gen. Edgard Arevalo, nangako rin ang EU na kukuha ng third party firm para i-audit ang mga pondo na kanilang ibinigay sa nasabing mga organisasyon.


 

Sa hiwalay na pahayag, sinabi naman ng EU na natanggap na nila ang mga dokumento kung saan nakasaad ang mga alegasyon ng pamahalaan kontra sa naturang mga grupo.

 

Una nang iginiit ng Malacañang na dapat itigil ng EU ang pagbibigay nito ng pondo sa mga “legal fronts” ng CPP.

 

Pahayag ito ni Presidential Spokesman Salvador Panelo kasunod ng pormal na pagsulat ni National Security Adviser (NSA) Hermogenes Esperon sa EU na nananawagan ng agad na pagpapahinto ng funding nito sa mga nasabing grupo.

Facebook Comments