Naniniwala ang Associated Labor Unions (ALU) na upang maiwasan ang pagkawala ng trabaho at negosyo ay dapat tugunan ng pamahalaan ang inilabas na resolusyon ng European Parliament.
Ayon kay ALU National Executive Vice President Gerard Seno, kung hindi matugunan agad ng gobyerno ang resolusyon ay maraming negosyo ang maaapektuhan kabilang na ang mga manggagawang mawawalan ng trabaho.
Partikular dito ang panawagang pagrepaso sa Tariff Incentives na pinalawak ng Union sa Export Products sa bansa.
Mula aniya noong December 25, 2014, tinatamasa na ng Pilipinas ang zero tariff sa 6,274 na mga produkto sa EU Market.
Kabilang sa mga produkto ang pinya, mangga, tuna, gulay, nuts, kape, cacao, garments,
footwear, pearls, precious metals at mga piling furniture.
Base sa Department of Trade and Industry (DTI), ang pagkakaloob ng GSP + Tariff-Free Export noong 2014 ay nagpataas ng export ng Pilipinas sa EU ng 35% at lumikha ng 200 libo pang mga trabaho.