Manila, Philippines – Tuloy pa rin ang ayuda ng European Union sa Pilipinas.
Ito’y sa kabila ng pagtanggi ng pamahalaan dahil sa panghihimasok ng EU sa panloob na usapin ng bansa.
Ayon kay Ambassador to the Philippines Franz Jessen – patuloy silang makikipagtulungan sa ibat-ibang ahensya ng pamahalaan kung saan nakatutok sila sa mga proyekto at programang pangkapayapaan at pangkaunlaran partikular na sa Mindanao.
Kabilang dito ang paglikha ng mga trabaho at pagbibigay ng tulong pinansyal para sa kabuhayan ng mga taga Mindanao.
Hinihintay nalang din ng EU na matapos ang Marawi crisis bago magpasok ng humanitarian assistance.
DZXL558
Facebook Comments