Evacuation center para sa mga nasunugan sa Brgy Damayang Lagi, hindi pa rin tiyak

Quezon City – Wala pa ring tiyak na evacuation center para sa mga nasunugan sa Block 5 Number 205 E. Rodriguez Street Avenue, Barangay Damayang Lagi, Quezon City.

Wala man lamang covered court kung kaya at nagkakasya ang mga nasunugan sa gilid ng La Felonila Street.

Ito na ang pangatlong pagkakataon na nasunugan ang mga residente ng Barangay Damayang Lagi.


Una ay noong 2010 at sinundan pa noong 2017.

Reklamo ng ilan sa nasunugan, binuhusan sila ng tubig para itaboy sa bangketa na  nakaharap sa Delos Santos Hospital.

Sa datos ng barangay, tinatayang 1,434 ang bilang ng indibidwal na nasunugan.

Home owner -109

Renter – 72

Shares – 58

Total = 239

Dumating kaninang madaling araw si Vice Mayor Joy Belmonte para magpamahagi ng food packs.

Tinanggihan naman ng mga opisyal ng barangay ang bitbit na pagkain ng Sacred Heart Parish sa Kamuning dahil hindi ito sapat sa bilang ng mga nasunugan.

Muling babalik sina Sr. Grace Macatol upang magdala ng mga damit.

Ayon naman kay Social Welfare Officer Lorlyn Surita ng Social Services Development Department, ang pinakahuling bilang ng mga na-interview sa ginagawang validation ay nasa 239 na.

Sa tantiya nila mga 600 na ang nabigyan ng number.

Facebook Comments