EVACUATION CENTERS AT EARLY WARNING SYSTEM NG BOLINAO, TINIYAK ANG KAHANDAAN SA BANTA NG TSUNAMI

Tiniyak ng Bolinao Disaster Risk Reduction and Management Council (BDRRMC) ang kahandaan ng bayan sa posibleng banta ng tsunami.

Ito ay dahil sa mga evacuation centers at modernong early warning system.

Ayon sa tanggapan, matatagpuan ang tusnami evacuation center sa bulubunduking bahagi ng Brgy. Liwaliwa na may elevation na 58.8 meters or 192.9 feet above mean sea level.

Karagdagan sa evacuation center na itinalaga sa bayan ang mga barangay hall at paaralan sa mga karatig lugar upang ma-accommodate ang mas maraming residente.

Kabilang din sa paghahanda ng tanggapan ang tsunami early warning system mula sa DOST na naka-install sa baybayin ng Bolinao na mayroong tide gauge at wet and dry sensors upang makita ang pagbabago sa lebel ng tubig.

Samantala, nakalagak naman sa Brgy. Concordia, Bolinao ang warning siren upang magbigay ng babala sa mga residente sa posibleng tsunami.

Nagpapatuloy ang information dissemination campaign ng tanggapan sa mga coastal barangays bilang bahagi ng paghahanda sa banta ng tsunami.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments