Evacuation centers bill, pinamamadali nang ipasa sa Kamara

178

Manila, Philippines – Pinamamadali ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate sa Kamara ang pagpapasa sa panukalang batas kaugnay sa pagpapatayo ng mga evacuation centers sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Ito ay kasunod ng 6.5 magnitude na lindol na yumanig sa Leyte nitong nakaraang Linggo.

Paliwanag ni Zarate, kailangan ng bilisan ang pagpapatibay sa House Bill 1763 o ang Evacuation Centers bill upang makapagpatayo ng mga evacuation centers para sa mas ligtas na tutuluyan ng mga biktima ng kalamidad.


Ang mga evacuation centers na itatayo ay earthquake o disaster resistant na matibay sa anumang kalamidad at itatayo ito sa mga lugar na ligtas na malayo sa dagat at sa fault line.

Itatayo ang mga ito sa pagitan ng mga barangay upang madaling mapuntahan ng mga tao sakaling may sakunang mangyari o may tumama na kalamidad at magsisilbi din itong command center para sa disaster response.

Ang panukalang ito ay layunin din na itigil na ang paggamit sa mga paaralan at mga multi-purpose hall bilang evacuation centers tuwing may kalamidad dahil kung minsan ay delikado din ang lokasyon at kulang pa sa pasilidad.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558



Facebook Comments