Evacuation centers sa bawat barangay, isinusulong sa Kamara

Pinamamadali na sa Kamara ang pagapruba sa panukala na layong magtayo ng evacuation centers sa bawat lugar sa bansa.

 

Sa ilalim ng House Bill 5259 o Evacuation Centers bill, pagtatayuan ang bawat barangay ng evacuation centers upang madaling mapuntahan ng mga residente sakaling ipag-utos ng LGUs ang paglikas.

 

Magsisilbi ding command center para sa disaster response ang mga itatayong evacuation centers.


 

Ayon kay Bayan Muna Rep. Carlos Zarate, ito ay para hindi na magamit ang mga paaralan at mga multi-purpose halls na evacuation centers na kulang sa kagamitan, pasilidad at kalimitan din na nakatayo sa mga disaster prone area.

 

Ang mga evacuation centers ay titiyaking disaster resilient na ligtas na matutuluyan ng mga biktima ng kalamidad.

 

Hinamon ni Zarate ang Kongreso na agad ipasa ito sa pagbabalik sesyon upang matugunan agad ang mga pangangailangan ng mga kababayang nasalanta tulad ng magkakasunod na lindol sa Mindanao.

 

 

 

Facebook Comments