Nagpapatuloy ang paglikas ng mga residente ng Batangas kasunod ng pagbubuga ng Bulkang Taal na pinakamataas na lebel ng sulfur dioxide.
Kahapon, nasa 22,628 tons ng sulfur dioxide ang inilabas ng bulkan na ayon sa PHIVOLCS ay “anomalously high.”
Ayon kay Batangas Governor Hermilando Mandanas, hindi bababa sa 15,000 residente ang umalis na sa kanilang mga tahanan simula nang sumabog ang bulkan noong Huwebes.
Tiniyak naman ng Batangas Provincial Disaster Risk Reduction and Management office (PDRRMO) na handa ang mga bayan sa lalawigan para sa worst-case scenario.
Samantala, aabot sa 17 volcanic earthquakes ang naitala sa paligid ng bulkan sa nakalipas na 24 oras
Una nang nagbabala ang PHIVOLCS na posibleng magkaroon muli ng pagsabog katulad ng ipinakita ng Bulkang Taal noong July 1.