Evacuation, ipinatupad sa Eiffel Tower

France – Pansamantalang isinara sa publiko ang pamosong Eiffel Tower sa Paris matapos itong akyatin ng isang lalaki.

Pinababa at inilikas ang lahat, pinayuhan din ang publiko na ipagpaliban ang pagbisita sa tore.

Nasagip naman ng mga bumbero ang climber sa pamamagitan ng pag-rapel pababa mula sa third floor observation deck.


Kinausap ng mga pulis ang climber pero hindi pa rin malaman ang dahilan ng kaniyang pag-akyat.

Hindi ito ang unang beses na may nagtangkang akyatin ang makasaysayang tore.

Aabot sa halos pitong milyong katao ang bumibisita sa Eiffel Tower na ipinagdiwang lamang nitong nakaraang linggo ang ika-130 taong anibersaryo.

Facebook Comments