Nasa mahigit 30,000 na ang bilang ng mga naitalang evacuees ng Police Regional Office 4-A sa buong CALABARZON dahil sa epekto ng Bagyong Kristine.
Ayon kay PRO-4A PIO Chief PLtCol. Chitadel Gaoiran, may kabuuang 9,097 pamilya o katumbas ng 30,932 mga indibidwal katumbas ang kasalukuyang nasa 402 evacuation centers sa rehiyon.
Pinakamaraming naitalang bakwit ay mula sa Quezon Province.
Wala pang naitalang nasawi, nawawala, at injured sa mga oras na ito ang PRO-4A.
Samantala, kasalukuyang naka-deploy ang nasa 1,209 na mga pulis sa mga evacuations center at vital installation upang matiyak ang kaayusan at kaligtasan kasabay ng pananalasa ng bagyo.
Facebook Comments