Nagsimula nang magsi-uwian ang mahigit 12,000 evacuees sa Camarines Sur na pinalikas kasabay ng pananalasa ng Bagyong Amang nitong mga nakalipas na araw.
Ayon sa Office of Civil Defense, ang mahigit 12,000 indibidwal na pinauwi ay mula sa 12 bayan ng lalawigan.
Matatandaang ilang bayan sa Camarines Sur ang binaha dahil sa malakas na pag-ulan dulot ng Bagyong Amang.
Kabilang sa mga lumubog sa baha ay ang bayan ng Bombon, Magarao, Calabanga, Buhi, Baao, Pili, Bula, Minalabac, Pamplona, Pasacao, Canaman, Nabua at Gainza.
Samantala, ilang kalsada rin ang hindi pa madaanan ng mga motorista dahil sa mga pagguho ng lupa at malalim na baha.
Facebook Comments