Evacuees sa Guinobatan, Albay, naihatid na pabalik sa kanilang mga tahanan

Umabot sa 213 pamilya o 841 katao ang inilakas ng mga kasapi ng Ang Probinsyano Party-list mula sa dalawang barangay sa Guinobatan, Albay dahil sa pananalasa ng Bagyong Paeng.

96 pamilya o 330 katao rito ay mula sa Barangay Tandarora habang 117 pamilya o 511 katao ay mula naman sa Barangay Maninila.

Ayon kay Ang Probinsyano Party-list Rep. Alfred delos Santos, ang kanilang mga inilikas ay pansamantalang namalagi sa Mauraro Community College campus at ngayon ay ligtas nang nakabalik sa kani-kanilang tahanan.


Kaugnay nito ay umaasa naman si Delos Santos na sa darating na mga buwan ay maipapasa na ang inihain nilang House Bill 2773, o panukalang Accessible Evacuation Centers Act of 2022.

Layunin ng panukala na maitakda ang nararapat na maging evacuation centers para sa mga maaapektuhan ng kalamidad.

Facebook Comments