Nagpapatuloy ang evaluation ng Pamahalaang Panglungsod ng Dagupan City sa mga kabahayan na winasak ng Bagyong Uwan upang maiwasan ang duplication o pag-doble sa mga aplikasyon bago ang pamamahagi ng cash transfer fund mula sa national government.
Ipinaliwanag ni Mayor Belen Fernandez, na mayroong validating team ang City Engineering Office katuwang ang mga barangay council na unang pagbibigyan ng mga mungkahi o litrato ng mga nasirang bahay.
Inihayag din ng alkalde na pinaka napuruhan ng bagyo ang kabahayan sa mga island barangay, partikular sa Brgy. Pugaro, dahil sa lagpas dibdib na pagbaha.
Ayon sa City Engineering Office, araw-araw sinsuri ang lahat ng impormasyon mula sa lahat ng barangay bago ang pamimigay ng ayuda.
Tiniyak ng tanggapan na magsisimula na ang pamamahagi ng tulong sa mga apektadong mangingisda, magbabangus, mga may partially at totally damaged na kabahayan, transport group, mga bangkero at ilan pang apektadong pamilya. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









