Evaluation sa Sinopharm vaccine, magiging ‘objective’ – ayon sa FDA

Tiniyak ng Food and Drug Administration (FDA) na magiging ‘objective’ sila sa pagbusisi sa clinical trial data ng COVID-19 vaccine na gawa ng Chinese company na Sinopharm.

Ang Sinopharm ay nakapagsumite na ng application para sa emergency use ng kanilang bakuna sa Pilipinas.

Ayon kay FDA Director General Eric Domingo, masusing titingnan ang safety, efficacy at quality ng bakuna.


Kapag pumasok ang Sinopharm sa kanilang pamantayan ay bibigyan nila nito ng authorization.

Sinabi rin ni Domingo na may mga kulang pang dokumento ang Sinopharm.

Ang naipapasa pa lamang nila sa FDA ay ang Phase 1 clinical trial results at kanilang letter of intent.

Aniya ang proseso ng evaluation ay nakadepende sa kung gaano kakumpleto ang mga dokumentong naipasa na ng vaccine manufacturer.

Bukod sa Sinopharm, kasalukuyan ding nire-review ng FDA ang EUA applications ng Gamaleya ng Russia.

Facebook Comments