EVENT ORGANIZER, INIREREKLAMO MATAPOS UMANONG HINDI MAGPARAMDAM NG MAKATANGGAP NG BAYAD SA KANIYANG MGA KLIYENTENG IKAKASAL

Inirereklamo ngayon ang Isang event organizer sa Pangasinan matapos umanong hindi magparamdam nang makatanggap ng bayad sa kaniyang mga kliyenteng ikakasal.

Umabot sa higit limampu ang kliyenteng apektado na di umano’y itinakbo ang kanilang mga pera na ibinayad o downpayment.

Ang Ilan sa mga kliyente nito nagulat na lamang nang hindi na ito sumasagot sa kanilang tawag o mensahe. Nang puntahan ang kanilang opisina, wala rin ang event organizer at sarado na ito.

Dahil dito, isang grupo ng event organization ang nagmalasakit sa mga ikakasal.

Ayon kay Special Events Specialist Constantine Visperas, pinulong niya ang mga naapektuhan upang malaman anong tulong ang maaaring maibigay. Aniya, posible umanong tinatayang hindi bababa sa limang milyong piso ang kabuuan ng di-umano’y naibigay na downpayment ng mga kliyente.

Laking perwisyo rin umano dahil karamihan sa mga kliyente, hindi pa raw alam ng mga pamilya at maging ng kanilang mga mapapangasawa ang ukol sa nangyari.

Nang tawagan ito kahapon ni Visperas,aminado itong nagamit umano ang perang ibinayad sa kaniya ng mga kliyente sa nakalinyang events na nalimitahan sa budget ngunit hindi umano ito nagtatago sa kanila bagkus ay humuhugot lamang ng lakas ng loob dahil sa mga paninirang natatanggap umano nito sa social media.

Sa ngayon, hiling ng mga kliyente na magkaroon sana ng promissory note at maibalik ang kanilang pera. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments