Eveready Barangay Laging Handa, umiikot na sa ilang barangay ng lungsod ng Maynila

Umarangkada na ang Barangay Laging Handa na hatid ng Eveready Battery, DZXL 558 Radyo Trabaho at RMN Networks.

Ang unang maswerteng laging handang mamamayan ay si Kapitan Allan G. Antiado ng Barangay 401 ng Sampaloc, Manila.

Aniya, laking pasasalamat niya na isa siya sa mga napiling bigyan ng ayuda.


Labis din na natuwa si Kapitan Thom Dacayo ng Barangay 397.

Dahil plano niya magpatupad ng localized lockdown sa kanyang barangay matapos muli itong magkaroon ng tatlong bagong confirmed cases ng COVID-19.

Hinintay na lang aniya ang approval nito mula sa pamahalaang lokal ng lungsod ng Maynila.

Tinanggap nila ang mga tatlong klase ng delata, tulad ng 100 pirasong sardinas, tig-48 pirasong meat loaf at karne norte; 146 pirasong noodles; at apat na sakong bigas.

Facebook Comments