Ibinukas sa Media ni PDEA Director General Aaron Aquino ang kanilang evidence room upang alisin ang duda ng publiko na nagkakaroon ng pagrecycle ng nakukumpiskang shabu ang PDEA.
Sa ngayon ay nasa pangangalaga ng PDEA ang nasa 3.6 tons ng shabu na nagkakahalaga ng dalawampung dalawang bilyong piso.
Kasunod naman ito ng akusasyon ni Senador Ronald “Bato” delaRosa na maging ang PDEA ay nagri-recycle din ng shabu.
Pero ayon kay Aquino, mahihirapan ang sinumang magpupuslit ng shabu na nasa kanilang pangangalaga dahil na rin sa higpit ng seguridad na pinatutupad.
Kahit pa aniya magkaroon ng kutsabahan ay madali itong mabibisto dahil sa mga nakakalat na CCTV sa lugar.
Dagdag pa ng PDEA chief na nangyayari ang pagrecycle ng mga shabu sa mismong operation at hindi pagkatapos isurender sa PDEA ang mga bawal na gamot.