Ex-Atty. Larry Gadon, hinatulang guilty sa gross misconduct ng Korte Suprema

Hinatulang guilty ng Korte Suprema si Presidential Adviser on Poverty Alleviation Larry Gadon sa kasong gross misconduct.

Kaugnay ito sa mga pahayag ng dating abogado na nakabatay lamang sa mga hearsay.

Ayon sa Supreme Court, may kinalaman pa rin ito sa mga pahayag niya sa impeachment case na inihain laban kay dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.


P150,000 na multa ang ipinataw ng korte kay Gadon at hindi na rin siya maaaring bigyan ng judicial clemency.

Hindi pinatawan ng disbarment si Gadon dahil una na siyang inalis sa pagiging abogado.

Facebook Comments