
Inanunsyo ni Vice Chairperson and Executive Officer Commissioner Rafael Vicente Calinisan ang rekomendasyon ng ahensya sa Malacanang na masibak sa serbisyo si dating CIDG Director PBGen. Romeo Macapaz.
Ito ay matapos ang reklamo ng magkapatid na Patindongan na iligal na pag-aresto sa kanila at pag-tamper sa ilang mga ebidensya na kanilang hawak.
Samantala, nilinaw naman ni Calinisan na sinibak na rin sa pwesto ang 11 mga opisyal at officers dahil na rin sa pagkakadawit sa nasabing kaso.
Kaugnay nito, nagpapatuloy naman ang imbestigasyon sa ilang heneral na una nang nabanggit ng komisyon na posibleng dawit sa nasabi pa ring kaso.
Pati na rin ang mga ulat na may mga ilang aktibong pulis na posibleng tumutulong kay Ang para magtago sa awtoridad.
Facebook Comments










