Tiwala ang Department of Justice (DOJ) na mapapabalik na sa Pilipinas si dating Negros Oriental Representative Arnolfo Teves Jr., bago matapos ang buwan ng Hulyo.
Ito ay matapos katigan ng Timor-Leste Court of Appeals ang extradition request ng Pilipinas laban sa dating mambabatas.
Ayon kay DOJ Spokesperson Assistant Secretary Mico Clavano, kahit umapela pa ang kampo ni Teves ay tiwala ang kagawaran na kakatigan pa rin ng Korte ang DOJ.
Kaugnay nito, naniniwala si Clavano na uubusin ng kampo ni Teves ang 30 araw na ibinigay para makapaghain ng motion for reconsideration.
Tiniyak naman ni Clavano na hindi papaboran ang hiling ni Teves para sa political asylum na una nang ibinasura ng Korte.
Facebook Comments